Araw na lamang po ang bibilangin at ikaw ay muling magpapasya para sa iyong kinabukasan at sa kinabukasan ng iyong mga anak.
Nais ko po lamang ipalala sa iyo na ikaw ay pinanganak na maging HARI at walang sinuman ang may karapatang mangdikta sayo at walang sinuman ang may karapatang magpasunod sayo ngunit bilang hari may mga konseho kang tagapayo, maari mo akong ituring na isa doon, o kaya’y isang hamak na nangahas payuhan ka o maari ring isang Haring tulad mo na nagmamalasakit sa kaharian mo.
Unang-una, binigyan ka ng kakayahang mag-isip, isang kakayahang ipinagkaloob para ikaw ay tatawaging natatanging nilalang. Pero ang kakayahang iyon ang nag-udyok sa bawat hangarin, nagbuo ng bawat pangarap, nagtayo ng mas malaking kaharian at nagtulak sa karahasan. Iyon ang parehong bagay na nagpapaalala na tayo ay isang TAO at ang kung ano ang nagpapaalala na tayo ay tao ay siya ring bagay na nagpapaalala na tayo ay mga hayop. Bagay na magpapakatotoo na tayo’y walang pinagkaiba sa mga nilalang sa kagubatan at sa karagatan.
Ngayon namulat na lamang tayo na napapasailalim sa kapangyarihan ng isang hari, bagay na nagdulot sa atin ng kasaganaan at kaayusan at parehong bagay na nagdulot sa atin ng kapahamakan at pasakit. Maaring may mga namumuno sa pamayanang ating ginagalawan pero higit sa lahat tayo pa rin ang namumuno sa isang natatanging kaharian na walang sinuman ang may karapatang mang-akin kundi tayo rin at ‘yan ang ating mga sarili. Ikaw, ako at ang bawat isa sa atin ay ang nag-iisang hari. Tayo ang tunay na tagapagpasya sa kaharian at nasa ating mga kamay bilang hari ang pumili ng tunay at higit na naangkop na maghahari sa atin.
Kasabay ng pag-usbong ng sibilisasyon ng tao ang pulitika. Isang napakatandang konsepto ng SUGAL na ang mga manlalaro at mga tumataya ay ang mga taong naglalayong malukluk sa kapangyarihan at ang baraha ay walang iba kundi tayong mamamayan. Pinaglalaruan na tayo sa umpisa palang. Sa pulitika, walang tunay na kaibigan at walang matatag na alyansa. Ibig sabihin kung nais ng isang tao na manalo, tataya siya sa taong nakitaan nia ng alas o kaya’y kakabig siya sa taong magaling sa sugal na may mas malaki ang tyansang manalo. Lahat ng magkakakampi ngayon ay maaring magkaaway na bukas at lahat ng alyansa ngayon ay pansamantala lamang, isa itong huwad na tulad ng isang luwad, madaling tibagin.
Sa pulitika, walang bagay na tinatawag na KATOTOHANAN. Ang palitan ng salita ay isang estratehiya kung saan ang mananalo ay ang manlalarong may pinakamaraming makabig na baraha. At ang higit na nagagamit sa pagpapakalat ng mga salitang ito ay ang media. Ang media ang pinakanalinlang samantalang ang tao ay pinakanalito. Haaay!!! hahayaan na lang ba natin ang ganitong kalakaran?
Sa pagkakataong ito, isantabi mo muna ang pagiging TAO, pag-iralin ang pagiging hari.
Follow your instincts…indeed, you are born to be…a king of your own and that made you different…You think and the outcome will be your decision and that decision will start a change and that change will foster progress.
Surely, THERE ARE NO FAILURES…unless you oppose your own instincts,… doubt your own diligence and fail to make your decision.
No instinct will give you a little chance of survival.
Remember, surveys doe not determine the actual results because I am sure, you are not part of the two thousand being ask and that two thousand is not enough to represent the entire 40million++ who are going to decide. Hate campaigns are old fashioned politics and promises are old strategies. Open up your mind and see who is playing fairly. I know you will see it so soon.
Leave a reply